Brodkaster nakatanggap ng death threat
By: Chona Yu
- 1 year ago
Nagpasaklolo na ang Presidential Task Force on Media Security sa Manila Police District para paimbestigahan ang banta sa buhay ng brodkaster na si David Oro.
Humingi ng tulong si Oro sa task force matapos muling makatanggap ng bala mula sa hindi kilalang tao.
Napag-alamang, ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ng bala ang brodkaster subali’t hindi sineryoso ang naunang insidente.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez, bagama’t maaga pa para mag-especulate sa motibo, hindi anya nila binabalewala ang ganitong mga insidente.
Hiniling rin ni Gutierrez kay MPD District Director P/BGen. Andre Dizon na magkaroon ng assessment sa pagbabanta kay Oro at bigyan ito ng seguridad kung kinakailangan.