Aabot sa 641 na pamilya na biktima ng nagdaang Bagyong Egay ang binigyan ng pinansyal na ayuda ng National Housing Authority.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, tig P20,000 ang natanggap ng bawat pamilya mula sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.
Galing aniya ang pondo sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Nasa P50 milyon ang inilaang pondo ng NHA para ipang-ayuda sa mga biktima ng Bagyong Egay.
Tiniyak naman ni Tai na tuloy ang pamimigay ng ayuda sa iba pang biktima ng bagyo bago matapos ang buwan ng Agosto.
Sa ilalim ng NHA-EHAP, ang ahensya ay naglalayong maghatid ng tulong pinansyal para sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad tulad ng sunog, lindol, baha at bagyo. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga biktima na kanilang magagamit sa pagbili ng mga materyales pampagawa sa kanilang mga naapektuhang tahanan.