Aabot sa 1,746 indibidwal ang binigyan ng pinansyal na ayuda ng local na pamahalaan ng Quezon City.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tig P5,000 ang natanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programang Small Income Generating Assistance (SIGA) ng Social Services Development Department (SSDD).
Sabi ni Belmonte, layunan ng program ana mabigyan ng capital assistance ang mga benepisyaryo para maging puhunan sa kanilang napiling Negosyo.
Ang grupo naman ng Foodilicious, Tender Meat Masters, Lady Bubbles at Mary’s Collection and Sewing Craft ay nagkaroon ng aabot sa P60,000 mula Sikap At Galing Pangkabuhayan (SIGAP) para mas mapalago at maparami pa ang kanilang mga produktong itinitinda.
Inaanyayahan ni Belmonte ang mga residente na lumapit sa SSDD kung may kakaiba at bagong ideya.