Ibinunyag ni Philippine Ambassador to the United Stats Jose Manuel Romualdez na may ginagawang operasyon ang China para siraan ang mga diplomat sa Pilipinas.
Sa pahayag ni Romualdez sa Inquirer, sinabi nito na layunin ng China na masira ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Target din aniya ng China na pahinain ang depensa ng Pilipinas sa South China Sea.
Isa sa mga tinukoy ni Romualdez ang umano’y memorandum mula sa Department of Foreign Affairs na ipinare-recall siya dahil sa isyu ng korupsyon.
Galing sa isang “Mario Carmona” ang umano’y memorandum.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, peke ang naturang memorandum.
Paliwanag ni Manalo, mali ang grammar at hindi totoo ang alegasyon laban kay Romualdez.
MOST READ
LATEST STORIES