Aabot sa P500,000 na halaga ng makinarya mula sa Department of Agrarian Reform ang natanggap ng mga magsasaka sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Abdullah Balindong, Provincial Agrarian Reform Program Officer, layunin nito na mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka.
Kabilang sa mga tinanggap ng agrarian reform beneficiaries ang hand tractors na trailers, floating tillers, at power tillers.
Pawang mga kasapi ng ng San Roque ARB Association mula sa Palimbang, at Silang ARB Association mula sa Bagumbayan ang benepisyaryo.
Binigyan din sila ng pagsasanay at mga farm input para mas masuportahan ang kanilang aktibidad sa pagsasaka.
Nagpasalamat si Alvaro Casuga, Presidente ng San Roque ARBA, sa DAR sa patuloy na suporta nito sa organisasyon.
“Malaki ang tulong ng mga makinarya sa pagpapataas ng aming kita at pagpapaunlad sa aming mga pangkabuhayan. Asahan ninyo na gagawin namin ang lahat upang mapanatili ang mga makinarya,” pahayag ni Casuga.