Pagpuga ng preso ng Bilibid pinaiimbestigahan ni BuCor chief Catapang

 

Bubuo ng Board of Inquiry (BOI) si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang para imbestigahan ang pagkakatakas ng isang bilanggo.

Nais ni Catapang na malaman kung paano nakatakas mula sa pambansang-piitan si Michael Cataroja.

Magugunita na nang madiskubre ang pagkawala ng 25-anyos na bilanggo sa Maximum Security Compound ng Bilibid, nagpasaklolo pa ang kawanihan sa ibang ahensiya ng gobyerno, gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap kay Cataroja.

Naging  susi pa ito para buksan ang ilang poso-negro sa Bilibid sa pag-aakalang doon inilagak ang kanyang bangkay.

Una na rin sinabi ni Catapang sa mga pagdinig sa Senado at Kamara na naniniwala siya na buhay pa si Cataroja at nagtatago lamang.

Naaresto ng mga tauhan ng Binangonan Police sa lalawigan ng Rizal si Cataroja sa Barangay San Isidro, Angono.

Read more...