Territorial row ng Muntinlupa City at Parañaque City reresolbahin

Kasabay nang mainit pang isyu sa teritoryo sa pagitan ng mga lungsod ng Taguig at Makati, susubukan ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa na makipag-ayos na sa pamahalaang-lungsod ng Parañaque para sa sarili nilang sigalot ukol sa teritoryo.

Nabatid na inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ng Muntinlupa ang resolusyon na nagbibigay kapangyarihan kay Mayor Ruffy Biazon na bumuo ng technical working group (TWG) para maresolba na ang isyu ukol sa Sitio Bagong Silang sa Sucat, Muntinlupa City.

Ang 4.1 ektaryang lupa na dating kinatitirikan ng isinarang planta ng Napocor ay inaangkin din ng Parañaque City.

“We are aiming for a speedy and favorable resolution on this long-drawn matter, and with the findings of the TWG, our goal is that we have the proper legal foundation for what essentially belongs to Muntinlupa,” ani Biazon.

Ang Muntinlupa City Council inalok ang pagkakaroon ng joint-session sa Parañaque City Council, kasama na ang Taguig City Council para maresolba na ang isyu, gayundin ang isyu sa Barangay BF Homes.

Wala pang tugon ang pamahalaang-panglungsod  ng Parañaque sa alok ng Muntinlupa.

Read more...