Nakaantabay si Pangulong Marcos Jr. sa lagay ng mga Filipino na apektado ng wildfire sa Maui Island sa Hawaii.
Katuwang ng Pangulo sa pagbabantay ang Department of Foreign Affairs at (DFA) Department of Migrant Workers (DMW). Ayon sa Pangulo, inaalam na ngayon ng DFA at DMW kung ilang Filipino ang apektado sa sunog. Nakahanda aniya ang konsulado ng Pilipinas sa Honolulu na tulungan ang mga apektadong Filipino. Maari aniyang tumawag ang mga apektadong Filipino sa 24/7 emergency hotline na +1808 253-9446 o sa opisyal na email account ng pamahalaan na honolulu.pcg@dfa.gov.ph. “Kasalukuyang nakikipag-ugnayan din ang Philippine Consul General sa Hawaii sa mga lokal na awtoridad at Filipino community sa anumang bagong impormasyon patungkol sa insidente,” sabi ni Pangulong Marcos. Una nang sinabi ng DFA na 50 na Filipinong guro sa Hawaii ang nakaligtas sa sunog.MOST READ
LATEST STORIES