Klase sa public schools, trabaho sa gov’t offices sa MM at Bulacan suspindido sa August 25

FIBA FB PHOTO

Idineklara ni Pangulong Marcos Jr na suspindido. ang mga klase sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at  Bulacan sa Agosto 25.

Ito ay dahil sa  pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2023 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Base sa  Memorandum Circular No. 27 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kahapon, Agosto 15, layunin nito na magkaroon ng mas malawak na partisipasyon ang publiko sa  sports promotion at development. Pagpapakita rin ito ayon sa Pangulong Marcos ng buong suporta ng gobyerno sa Philippine Sports Commission (PSC) para matiyak ang ligtas, maayos, at matagumpay na pagbubukas ng opening ceremonies ng FIBA Basketball World Cup 2023. Pero ayon sa Pangulo, hindi saklaw sa suspension order ang mga tanggapan ng gobyerno na may kinalaman sa  basic at health services, preparedness/response to disasters at kalamidad at iba pang   vital services. Ipinauubaya naman ng Pangulo ang pagpapasya ng suspensyon sa mga pribadong tanggapan at paaralan.

Read more...