Isinusulong ni Senator Francis Escudero ang pagpapatayo ng isang pasilidad sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Escudero ang pasilidad ay dapat para sa mga sundalo at mangingisdang Filipino, bagamat aniya maari din masilungan ng mamamayan ng ibang bansa tuwing masama ang panahon. Sinabi pa nito na irerekomenda niya ang paglalaan ng P100 milyon mula sa pambansang pondo sa susunod na taon para sa pagpapatayo ng pasilidad. Hiniling din ni Escudero na mapalitan na ang pinasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Hiningi din niya ang pagkakaisa ng lahat ukol sa posisyon at prinsipyo para sa sobereniya at karapatan sa teritoryo ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES