Daan-daang drug dependents mula sa iba’t ibang barangay ng Quezon City ang tumalima sa “Oplan Katok” pakiusap ng Quezon City Police District (QCPD).
Napasuko ang mga drug dependents ng mga opisyal ng barangay sa pakikipag-ugnayan na rin sa kanila ng mga station commanders.
Matapos makuha ang kanilang personal profiles ay pauuwiin din sila.
Imo-monitor na lang sila kung hindi nila tinupad ang kanilang pangako na ititigil na ang paggamit ng droga.
Tutulungan din sila ng barangay at ng lokal na pamahalaan para makapagbagong-buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at livelihood.
Simula kamakalawa ay mahigit sa 1,000 drug dependents na ang sumuko sa QCPD.
Daan-daang drug dependents, sumuko sa QCPD | @JEPOI04 pic.twitter.com/74Sh61LzMw
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 24, 2016