Siyam na porsyento ang ibinagsak ng Sterling sa 1.3305 US Dollars na pinakamahinang lebel mula noong 1985.
Bukod dito, bumagsak din ang oil markets at kalakalan sa Asya matapos ang botohan kung saan pinaburan ng UK ang pagkalas sa EU.
Sa una ay nasa 1.50 US Dollars ang Pound dahil sa prediksyon na mananalo ang grupo na nais manatili ang UK sa EU.
Pero nang manalo ang Britain Exit o “Brexit” ay nagkumahog ang mga traders na maglagay ng sell orders.
Sa una namang pagkakaton mula noong November 2013 ay bumaba sa 100 Yen ang Dolyar ng Amerika pero muli itong nakabawi.
Ilan pa sa mga foreign currencies na naapektuhan ng pagkalas ng Britain sa EU ay ang Australian Dollar, ang Won ng South Korea, Ringgit ng Malaysia, Rupiah ng Indonesia, Rupee ng India, Canadian Dollar at Singapore Dollar.