Duterte admin, nakipagnegosasyon sa paglaya ni Marites Flor; Bihag na dayuhan palalayain na din

Marites Flor | (from Sec. Dureza’s FB page)
Marites Flor | (from Sec. Dureza’s FB page)

Ang papasok na Duterte administration na ang nakipagnegosasyon para sa ligtas na pagpapalaya ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa pinay kidnap victim na si Marites Flor.

Si President-elect Duterte ay dumalo sa turnover ceremony para sa pagpapalit ng liderado ng Davao City Police.

Sa nasabing seremonya din, ipinrisinta kay Duterte si Flor na matapos mapalaya sa Sulu kaninang madaling araw ay sinundo ni incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at saka dinala sa Davao City.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Duterte na nagawa nilang makipag-negosasyon sa Abu Sayyaf para mapalaya si Flor.

Marites Flor | (from Sec. Dureza’s FB page)

Napapayag din umano ang Abu Sayyaf na palayain din ang natitirang dayuhang bihag na si Kjartan Sekkingstad na isang Norwegian National, pero as of ngayong hapon ay hindi pa umano naitatawid ng dagat ang dayuhan.

Hindi tinukoy ni Duterte sa kaniyang pahayag kung paano ang naging proseso ng pagpapalaya at kung may ibinayad bang ransom, pero binanggit niya na malaki ang naging kontrobusyon ni Sec. Dureza at ni Sulu Gov. Abdusakur Tan para mapalaya si Flor at para sa nakatakdang pagpapalaya kay Sekkingstad.

“We will able to negotiate of the release of Marites Flor. Instrumental of the release here is Sec. Dureza, si Gov. Sakur Tan. Hopefully marelease na ang Norwegian hindi pa siya naitatawid ng dagat,” ayon kay Duterte.

Marites Flor | (from Sec. Dureza’s FB page)

Matapos ang pahayag ni Duterte ay kinausap naman niya sa telepono ang Norwegian ambassador, kaugnay sa nakatakdang pagpapalaya sa dayuhan.

Kasabay nito, nagbabala si Duterte sa mga moro people na huwag na huwag isiping sumanib sa Abu Sayyaf.

“If I can acoomodate all Moro people walang problema sa akin, but avoid being a member of that Abu Sayyaf. Ayokong makipag-away sabi ko, pero I will have to confront the Abu Sayyaf
Yung kidnapping nila must stop, it was given us a very bad image,” dagdag pa ni Duterte.

 

Read more...