Pinalayang Pinay kidnap victim, dinala sa Davao City

Inquirer Mindanao Photo / Julie Alipala
Inquirer Mindanao Photo / Julie Alipala

Dinala kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pinalayang kidnap victim na si Marites Flor.

Matapos ang pagpapalaya kay Flor kaninang madaling araw sa Sulu, ay dinala ito sa bahay ni Sulu Gov. Abdusakur Tan, bago nai-turnover sa mga tauhan ng Joint Task Force Sulu.

Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (WesMinCom), isinailalim sa medical check-up si Flor.

Matapos ito ay sinundo ni incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza si Flor sa Sulu at inihatid sa Davao City, kung saan makikipagkita ito kay President-elect Rodrigo Duterte.

KARLOS MANLUPIG/INQUIRER MINDANAO

Matatandaang dinukot Flor at tatlong mga kasamang mga foreigner noong Setyembre 27, 2015 ng grupong Abu Sayyaf.

Kasamang dinukot sina Robert Hall at John Ridsdel (kapwa Canadian) at isang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.

Pinugutan na ng ulo kamakailan ang dalawang Canadian matapos mapaso ang deadline para sa hiniling ransom ng Abu Sayyaf.

Nananatili pa ring hawak ng mga bandido si Sekkingstad.

 

 

Read more...