Mga Filipinong may nawawalang kamag-anak sa Hawaii wildfire, pinagsusumite ng DNA sample

 

Nasa 99 katao na ang nasawi sa wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na hindi pa matukoy kung may mga Filipino ang nasawi sa sunog.

Payo ni Cortes sa mga Filipino na may nawawalang kamag-anak, magsumite ng DNA sample para masuri kung ang mga kamag-anak nila ang nasawi sa sunog.

Wala kasi aniyang breakdown na ibinibigay ang pamahalaan ng Hawaii kung anong mga lahi o nationality ang mga nasawi.

Kaya hirap aniya ang konsulado ng Pilipinas na matukoy kung may Filipinong nasawi sa sunog.

Read more...