50 guro sa Maui island, ligtas ayon sa DFA

 

Nasa 50 Filipinong guro ang nakaligtas sa wildfire sa Maui Island.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes, mga J1 visa holder ang mga guro na nasa Hawaii.

Ito aniya ang mga guro na nag-kwalipika sa visa exchange visitor program sa Amerika at mananatili roon ng dalawa hanggang tatlong taon.

Ayon kay Cortes, nasa shelter na ang 50 guro at inaalagaan ng Hawaii at US government.

Bibigyan aniya ng pinansyal na ayuda ng pamahalaan ang 50 guro na apektado ng sunog.

Nakahanda aniya ang gobyerno na ilikas ang 50 guro sakaling humiling ang mga ito ng repatriation.

Batay sa census ng Amerika nasa 388,000 na Filipino ang nasa Hawaii.

 

Read more...