Walang tumutol sa 22 senador sa isinusulong na pagpapalit ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City bilang kalsada na nakapangalan kay yumaong Senator Miriam Defensor-Santiago.
Ang dalawang kalsada ay kikilalanin ng Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.
Lumusot na ang panukala sa Kamara noong Marso at wala din mambabatas ang tumutol.
Sa plenaryo ng Senado, bago ang botohan, nagbigay ng kanya-kanyang pagkilala kay Defensor-Santiago sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, Sens. Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Sonny Angara.
Anila hindi maitatanggi na maituturing si Defensor-Santiago na isa sa mga haligi ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Nagbahagi din sila ng kanya-kanyang personal na karanasan sa pakikipag-trabaho kay Defensor-Santiago.
Namayapa ang senadora noong 2016, sa edad na 71, matapos ang ilang taon na pakikipaglaban sa kanser.