Panibagong oil price hike ikakasa bukas

Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis ng panibagong dagdag-presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo simula bukas.

Karagdagang P1.90 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa diesel at P2.50 naman sa kerosene.

Ito ang ikalimang sunod na linggo na pagtaas sa halaga ng gasolina, samantalang ikaanim na sunod na linggo naman sa diesel at kerosene.

Sa mga sunod-sunod na pagtaas, P12.30 na ang nadagdag sa halaga ng kada litro ng diesel, P11.15 sa kerosene at P7.55 naman sa gasolina.

Base ito sa paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado sa nakalipas na linggo.

Read more...