932 bagong COVID 19 cases naitala sa nakalipas na linggo

Mula Agosto 7 hanggang kahapon, Agosto 13, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 932 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Bunga nito, 132 ang daily average cases sa nakalipas na isang linggo.limang porsiyento na mas mababa kumpara na naitala noong Huly0 31 hanggang Agosto 6.

Sa mga bagong kaso, 11 ang nasa malubha o kritikal na kalagayan.

Samantala, may 20 na pumanaw dahil sa naturang sakit at 14 sa kanila ay noong Hulyo 31 hanggang kahapon.

Sa ngayon, may 238 pa ang kritikal ang kondisyon at ang mga ito ay nasa ibat-ibang ospital.

 

Read more...