MILF kasama sa iniimbestigahan sa Basilan VM ambush

Kabilang sa tinitingnan ng  Joint Task Force Basilan ang maaring partisipasyon ng ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa insidente ng panamabang noong nakaraang Sabado sa Ungkaya Pukan, Basilan.

Nakaligtas si Vice Mayor Ahmadin Baharim, ngunit isang sundalo ang nasawi at siyam ang nasugatan sa bahagi ng puwersa ng gobyerno.

Sa pahayag ng AFP – Western Mindanao Command (Wesmincom) alas-3:45 ng hapon ng tambangan ang convoy ni Baharim sa Barangay Ulitan ng humigit kumulang 10 armadong lalaki.

Nabatid na ng mga sandaling iyon nagsasagawa ng inspection ang grupo ng opisyal bilang paghahanda sa isasagawang medical mission sa lokal na komunidad.

Tumagal ng limang minuto ang pagpapalitan ng mga putok.

 

Read more...