24 oras na pag-ulan asahan dahil sa habagat

INQUIRER PHOTO

Magiging maulan sa susunod na 24 oras sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Makulimlim ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Babala ng PAGASA, maaring magdulot ng pagbaha at landslides sa mga nabanggit na lugar dahil sa pag-ulan.

Magiging mainit naman sa natitirang bahagi ng bansa at posible ang pag-ulan mamayang hapon hanggang gabi.

Wala pang namataan na low pressure area (LPA) na papalapit ng bansa.

Ayon naman kay weather specialist Obet Badrina may posibilidad na mamuo ang isang tropical cyclone sa bansa sa susunod na dalawa o tatlong araw.

 

 

Read more...