Ejercito ipinasisilip sa Senate Blue Ribbon Committee ang Manila Bay reclamation projects

SENATE PRIB PHOTO

Naniniwala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na mabusisi ng Blue Ribbon Committee ang reclamation projects sa Manila Bay.

Aniya dapat ay maging malinaw at maisapubliko ang naging bahagi ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa mga proyekto. Sinabi ni Ejercito na binigyang-kapangyarihan ng PRA ang mga lokal na pamahalaan na makipag-negosasyon para sa mga proyekto. Ito aniya ay kanyang labis na ipinagtataka dahil ang Manila Bay ay “national asset.” Paalala pa niya na ang lahat ng naisagawang reclamation projects ay pinangasiwaan ng pambansang gobyerno. Nabanggit din ni Ejercito na kadududa ang tila pagmamadali na maisakatuparan ang mga proyekto bago matapos ang administrasyong-Duterte. Dagdag pa ng senador dapat din malaman kung nagkaroon ng konsultasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga proyekto para sa maayos na “engineering plan.”   Una na rin inihayag ng PRA na tatlo lamang sa reclamation projects ang nahinto base sa utos ni Pangulong Marcos Jr., dahil ang iba ay hindi na lubos na nasisimulan.

Read more...