Imbestigasyon sa kaso ni Jemboy Baltazar, matatapos sa 60 na araw

 

 

Tatapusin ng Philippine National Police ang imbestigasyon sa pagkamatay ng 17-anyos na binatilyo sa Navotas sa loob ng 60 araw.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP spokesman Colonel Jean Fajardo na mismong si PNP chief General Benjamin Acorda na ang nag-utos na tutukan ang kaso ni Jemboy Baltazar.

Napatay ng mga pulis si Baltazar matapos mapagkamalan na hinahabol na suspek.

Gumugulong na aniya ngayon ang special proceeding sa kaso.

Sabi ni Fajardo, nasampahan na ng kasong criminal at administratibo ang anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Baltazar.

Nakakulong na rin aniya ang mga pulis kasama ang kanilang team leader.

 

Read more...