Walang Filipino ang nasaktan o nasawi sa wildfire sa Maui island sa Hawaii.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affair Undersecretary Eduardo de Vega na karamihan sa mga Filipino na nagtatrabaho sa Maui ay nasa siyudad.
Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng DFA kay Philippine Consulate General in Honolulu Emil Fernandez para bantayan ang lagay ng mga Filipino.
Nasa 4,000 na Filipino ang naninirahan doon.
MOST READ
LATEST STORIES