P2 dagdag na pasahe sa PUJ, ihinirit ng ibat ibang transport groups

 

Humihirit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng P2 dagdag na pasahe sa mga pampublikong sasakyan ang ibat ibang grupo ng transportasyon.

Sa liham ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng transportation at Operatos sa Pilipinas kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, sinabi nito na hindi na kasi makontrol ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bukod dito, sinabi ni Marquez na tumataas din ang presyo sa piyesa ng mga sasakyan.

Sabi ni Marquez, nagsagawa ng diyalogo ang kanilang hanay at iba pang transport group para humirit ng dagdag singil sa pasahe.

“The immediate action and consideration of the good chairman of the LTFRB on this matter will go a long way in uplifting the economic conditions of the drivers and operators. Henceforth, the approval of our request for P2 for the first 4 kilometers will always be highly appreciated,” saad ng liham.

Bukod sa LTOP, lumagda rin sa liham ang Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide,  Stop and Go Transport Coalition Incorporated at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines.

 

Read more...