Mabuting hakbang ang ginawa ng Energy Regulatory Commission na ipahinto sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagpapataw ng 3% franchise tax sa konsyumer.
Aniya maituturing na panalo ng konsyumer ang desisyon ng ERC dahil ilang taon nang ginagawa ng NGCP ang “pasa tax.”
“ I laud and fully support ERC for upholding consumer welfare in its decision. This is also a reminder for enterprises of the need to play fair and maintain corporate integrity,” sabi pa ni Gatchalian.
Kapag naipatupad mababawasan ng P0.0135 – P0.0165 per kilowatt hour o P37.32 kada taon ang mababawas sa bayarin sa kuryente ng konsyumer.
“I am confident that ERC will continue to thoroughly review industry practices with the goal of ensuring a balance of interests among stakeholders in the energy sector,” dagdag pa ni Gatchalian.