168 volcanic quakes, 106 tremor naitala sa Bulkang Mayon

 

Nasa 168 na volcanic earthquakes kabilang ang apat na ashing events at 106 na volcanic tremor events na may haba ng lima hanggang 10 minuto ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 180 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.

Naging mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.0 kilometro sa Basud Gully.

Nasa 1,905 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Nasa 800 metrong taas ang plume na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-silangan.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

 

Read more...