36 katao patay sa wildfire sa Hawaii

 

(Reuters/Inquirer)

Patay ang 36 katao dahil sa wildfire sa Maui island sa Hawaii.

Ayon sa kay Hawaii Governor Josh Green, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagpapatuloy pa ang sunog.

Nasa 20 katao naman ang naiulat na nasugatan at dinala na sa ospital para malapatan ng lunas.

Nasa 11,000 katao naman ang inilikas.

Ito na ang worst disaster na tumama sa Hawaii simula noong 1960 kung saan tumama ang tsunami na ikinasawi ng 61 katao.

 

Read more...