Pitong tripulanteng Indonesian, dinukot sa Sulu

sulu-map-1Pitong Indonesian sailors ang dinukot sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu.

Ang impormasyon ay kinumpirma ni Indonesian foreign minister Retno Marsudi.

Ayon kay Marsudi, sakay tugboat ang mga tripulanteng Indonesian nang sila ay harangin at tangayin ng mga armadong grupo.

Tinangay bilang hostage ang pitong tripulante habang ang anim na iba pang sakay din ng tugboat ay iniwan ng mga suspek.

Sinabi ni Marsudi na gumagawa na sila ng paraan upang mapalaya ang kanilang mga mamamayan.

Hindi rin masabi ng opisyal kung anong grupo ang responsible sa pagdukot at kung may demand bang ransom ang mga ito.

Magugunitang labing apat na Indonesian din at apat na Malaysian ang dinukot sa Pilipinas kamakailan.

Napalaya naman ang nasabing mga bihag pero walang impormasyon na ibinigay kung binayaran ang ransom para sa kanilang paglaya.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa panibagong insidente ng pagdukot.

Pero ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, ongoing pa umano ang effort ng AFP para makumpirma ant nabanggit na panibagong insidente ng kidnapping.

 

Read more...