Pimentel isinusulong ang mas matatag na proteksyon sa konsyumer

Hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na mas mapalakas pa ang isinusulong na Internet Transaction Bill. Aniya dapat ay mabigyan ng kapangyarihan ang mabubuo na E-Commerce Bureau tulad ng sa Fair Trade Enforcement Bureau. Partikular aniya na kapangyarihan na isinusulong na kawanihan ay ang pagresolba sa mga reklamo ng konsyumer sa e-commerce transactions. Sinabi nito kay Senator Mark Villar, ang sponsor ng Senate Bill No. 1846, na maari pang mas maging malinaw ang panukala at maitulad ito sa Consumer Act of the Philippines. Tugon naman ni Villar na bukas siya sa anumang suhestiyon na magpapalinaw ng husto sa panukala. Katuwiran ni Pimentel, nakasentro ang kanyang atensyon sa proteksyon ng mga konsyumer bunga na rin ng napakaraming reklamo laban sa mga manlolokong nagtitinda sa “e-market.”

Read more...