Hindi ako madaling takutin.
Tugon ito ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa pahayag ni Senador Cynthia Villar sa pagdinig sa Senado na takot ang kalihim sa mga maiimpluwensyang tao na nagtutulak ng reclamation projects sa Manila Bay.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Loyzaga na kung tatanungin ang mga taong nakakikilala sa kanya, batid nila na hindi agad siya nagpapatinag kanino man.
Nagpapasalamat si Loyzaga kay Villar dahil maaring concern lamang ito sa kanya.
Sinabi pa ni Loyzaga na base sa mga ginawang konsultasyon sa ibat ibang environmental advocates at stakeholders, batid ng mga ito ang kanyang paninindigan ukol sa usapin ng reclamation.
“Well, for those who—well, I don’t know many of you, but you can ask the people who do know me – I am not easily scared,” pahayag ni Loyzaga.
“I’m very a grateful to Senator Villar for her concern, but we are here to do our job and we will do it slowly but deliberately because we want to make sure that we stay within the bounds of the law,” pahayag ni Loyzaga.