Maglalagak ng $1 bilyong puhunan ang American microprocessors manufacturer na Texas Instruments Inc. (TI) sa Clark, Pampanga at at Baguioo City.
Ito ay para sa expansion ng kanilang negosyo.
Sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa US-ASEAN Business Council’s meeting sa Malakanyang, nagpasalamat ang punong ehekutibo sa naturang kompanya.
Balak ng Texas Instrument na magsumite ng aplikasyon para sa expansion ng kompanya sa susunod na dalawang linggo.
Nabatid na ang investment plan ng TI ay alinsunod sa CHIPS and Science Act of 2022 na nilagdaan ni US President Joe Biden noong nakaraang taon.
Layunin nito na magtayo at magkaroon ng historic investments ang Amerika sa ibat ibang bansa para manguna sa 21st century.
“These (are) areas and sectors in the economy that we would like to be involved in,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And we have a great deal of [dependence] already… of our exports. We do not see why we should not further support and enhance the sector of the economy because it has (done) well,” dagdag ng Pangulo.
Sabi ni Pangulong Marcos, malaki ang lamang ng Pilipinas dahil sa malakas ang uri ng mga manggagawa ng mga Filipino.