41 patay sa central Mediterranean

 

Patay ang 41 katao matapos mawasak ang sinasakyang barko sa central Mediterranean.

Ayon sa ulat, apat katao ang nakaligtas sa trahedya at dinala na sa Italian island of Lampedusa.

Nakaligtas ang apat matapos kumapit sa life jacket at iba pang inflatable rubber devices.

Kabilang sa mga sakay ng barko ang tatlong bata.

Agosto 3 nang umalis ang barko sa Tunisia.

Kilalang hotspot ng migration crisis ang lugar.

 

Read more...