Panalo ni ZaNorte Rep. Romeo Jalosjos Jr., noong 2022 election pinawalang-bisa

Ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang pagkakapanalo ni Romeo Jalosjos Jr. bilang kinatawan sa Kamara ng Unang Distrito ng Zamboannga del Norte.

Inutusan ng Korte Suprema sa Commission on Elections (Comelec) na iproklamang nanalo si Roberto “Pinpin” Uy Jr.

Nagkalaban sa nakaraang eleksyon sina Jalosjos, Uy at isang Frederico Jalosjos na kalaunan ay idineklarang nuisance candidate.

Nakakuha si Uy ng 69,591 boto habang si Jalosjos Jr.,  ay nakakuha ng 69,109 boto at 5,424 boto si Frederico Jalosjos.

Sa inilabas na desisyon ng Comelec noon, nuisance candidate si Frederico Jalosjos kung kaya ang boto nito ay dapat na mapunta kay Jalosjos Jr.

Dahil dito, dumulog sa Korte Suprema si Uy at kinatigan siya.

Read more...