Biyaheng Amerika si Pangulong Marcos Jr. sa darating na Nobyembre para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Summit na gaganapin sa San Francisco, California.
“I look forward to joining fellow APEC Leaders in California this year. This will be my third trip to the US since I assumed office,” pahayag ng Pangulo sa courtesy call ng US-ASEAN Business Council na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang.
Una nang dumalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre 2022. Nagkaroon din ng state visit ang Pangulo sa Washington, DC noong Mayo.
“I have called for Philippine-United States economic engagement to boost two way trade especially critical sector such as infrastructure, agriculture, clean energy including nuclear energy, green metals and critical metals, IT-BPO, and semi-conductor, resilience on climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos.