Makasaysayan ang 2.2 bilyon spam at scam text messages na naharang ng Globe sa unang kalahati ng taon.
Ito ay halos apat na uli na mas mataas kumpara sa naitalang 615.01 milyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon.
Malapit na rin ito sa 2.72 bilyon na naitala sa kabuuan ng 2022.
Ang bilang ay bunga ng pinaigting na kampanya ng Globe laban sa mga “fraudsters” at suporta sa kampanya ng gobyerno sa SIM Registration Law, na ang pangunahing layon ay masugpo ang cybercrimes.
“At Globe, we’re unwavering in our dedication to bolster the government’s fight against cybercrime. Our significant investments in advanced filtering systems and our intensified campaign to block scam and spam messages is a testament to our promise of providing secure and reliable communication services to our customers,” ani Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.
Magugunita na bilang tugon sa dumaraming krimen at spam text messages, nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang Republic Act No 11934, o ang SIM Registration Act, noong nakaraang Oktubre.
Bilang suporta sa pagsisikap ng pamahalaan laban sa spam at scam, patuloy na hinaharang ng Globe ang malisyosong SMS, kabilang ang lahat ng person-to-person messages na may links. Ang Globe ay nag-invest ng $20 million upang palakasin ang spam at scam SMS detection at blocking system nito. Ang Security Operations Center ng kompanya ay nagtatrabaho 24/7 upang masala ang unwanted messages kapwa mula sa international at domestic sources. Maaaring i-report ng mga customer ang spam at scam SMS sa #StopSpam portal ng Globe.