Sinabi ng China na pangako ng Pilipinas sa WPS itinanggi ng Palasyo
By: Chona Yu
- 1 year ago
Mariing pinabulaanan ng Malakanyang na may pangako ang gobyerno ng Pilipinas sa China na tatanggalin na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, walang ganitong pangako na binibitawan ang Pilipinas.
“No such thing,” pahayag ni Garafil.
Una rito, sinabi ng China na nangako ang Pilipinas na tatanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa paniniwalang kanila ang bahaging iyon ng West Philippine Sea.
Sinegundahan din ni Garafil ang posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatili sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre.
Nanindigan naman ang National Security Council na walang dahilan para tanggalin ang nasabing barko sa Ayungin Shoal dahil sakop ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ang BRP Sierra Madre ay World War II-era Philippine ship na sadyang ipinasadsad sa Ayungin Shoal.