Si Flor ay kasama ng tatlong dayuhan na binihag ng Abu Sayyaf sa bahagi ng Samal Island noong September 2015.
Sa inisyal na impormasyon, si Flor ay pinalaya ngayong umaga at dinala sa bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan.
Hindi pa malinaw kung paanong pinalaya si Flor at ang proseso ng pagpapalaya sa kaniya.
Si Flor ang kasintahan ng isa sa tatlong dayuhang biktima ng pandurukot na si Robert Hall.
Nauna nang pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf ang dalawang dayuhang biktima kabilang si Hall at si John Ridsdel.
Sa ngayon, tanging ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na lamang ang nalalabing bihag ng Abu Sayyaf mula isinagawa nilang pagdukot sa Samal Island noong Setyembre.