Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos na kuyugin ng mga residente sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Wattah Wattah festival sa San Juan City.
Suntok sa mukha at katawan ang inabot ni Manny Manuel na residente ng Barangay Isabelita, makaraang mapagbintangan na snatcher.
Ayon kay Manuel, nakikipagsaya lamang siya, kasama ang kaniyang asawa at anak at mga kaibigan sa Plaza sa bahagi ng N. Domingo nang siya ay mapagdisktitahan ng isang grupo ng kalalakihan at saka ginulpi.
Muntik pa aniyang tamaan ng suntok ang tatlong taong gulang niyang anak pero naharang niya ito.
Mariing itinanggi ni Manuel ang paratang na nang-snatch siya ng gamit ng mga nakikilahok sa kasiyahan.
Napahupa lamang ang tensyon nang umawat ang mga pulis sa lugar.
Dinala naman sa pagamutan si Manuel para masuri matapos ang tinamong mga pasa at sugat sa mukha at ulo.
Nagkagulo sa kasagsagan ng Wattah Wattah Festival, isang lalaki ang ginulpi at kinuyog ng mga residente | @JEPOI04 pic.twitter.com/wXouZOIRot
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 24, 2016
Napagkamalan umanong snatcher ang lalaki kaya kinuyog ng mga residente | @JEPOI04 pic.twitter.com/0koeXJbSeG
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 24, 2016
Ginulpi ng mga residente si Manny Manuel dahil napagkamalan umanong snatcher | @JEPOI04 pic.twitter.com/ig575aDa3f
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 24, 2016