Road repair sa EDSA, iba pang kalsada at mall sale bawal muna dahil sa FIBA

Ipagbabawal hanggang sa Setyembre ang lahat ng uri ng pagsasa-ayos sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, kabilang na ang kahabaan ng EDSA.

Ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 7, s. 2023 aat bilang bahagi ng paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Kabilang sa mga bawal munang gawin ay reblocking, utility works, pipe laying, road upgrading, at excavation works, simula sa Agosto 17 hanggang Setyembre 10.

Sakop ng naturang memorandum ang  mga sumusunod;
1. EDSA Monumento – SM MOA
2. Kalayaan Avenue, C5 Road – EDSA
3. Diokno Boulevard
4. P. Ocampo St., Taft Avenue – Roxas Boulevard
5. Roxas Boulevard, NIA Road – UN Avenue
6. Meralco Avenue
7. Ortigas Avenue, EDSA – C5 Road
8. EDSA North Avenue – Agham Road

Hindi din muna papayagan ang mall-wide sales sa shopping malls na nasa kahabaan ng EDSA at sa iba pang lugar na apektado ng  FIBA World Cup 2023 para matiyak ang maayos at ligtas na kondisyon ng mga nabanggit na kalsada.

 

Read more...