Stop! PBBM sa Manila Bay reclamation projects
By: Chona Yu
- 1 year ago
Ipinasuspindi ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay.
Kasunod ito nang pakikipagpulong ng Punong Ehekutibo sa mga lokal na opisyal ng Bulacan.
Aniya kailangan na bigyan ng sapat na engineering intervention ang ginagawang reclamation projects.
Sa ngayon, sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na under review ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isa na itinutuloy ngayon dahil tapos na aniya itong na review.
Hindi naman binanggit ng Pangulo kung alin sa limang reclamation projects na ito ang nakasupindi at alin ang nagtutuloy.
Ayon sa Pangulo, marami silang nakitang problema sa mga proyekto, kabilang aniya ang hindi masyadong magandang patakbo nito.
Aminado ang Pangulo na isa ito sa malaking problema na kailangang ayusin dahil kung matutuloy aniya ang lahat ng reclamation projects na ito maraming ilog ang mababarahan dahil wala na talagang pupuntahan ang tubig
Sa katunayan nga aniya, maging sa Roxas Boulevard sa Maynila ay wala na ang dagat o mawawala ang dagat kapag nagkataon.