Iwas panic-buying ng defense equipment, payo ni Chiz sa gobyerno
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Pinaghinay-hinay ni Senator Francis Escudero ang gobyerno sa pagbili ng mga armas-pandigma dahil sa tensyon ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Aniya hindi dapat maging dahilan ng gobyerno para mag-“panic buying” ng mga gamit-pandigma.
Sinabi nito na sasamantalahin ng “arms dealers” ang sitwasyon sa WPS para ibenta ang kanilang mga gamit pandigma sa Pilipinas.
“It is expected that arms merchants are beating a path to our door because they sense sales opportunity from a crisis. But we should be picky buyers because we don’t have unlimited money,” sabi ng senador.
Dagdag pa niya: “Parang paalala sa pagbili ng gamot. Piliin kung ano ang mabisa at abot-kaya. Huwag pa-budol sa quack medicines.”
Sinabi pa niya na hindi dapat magmukhang desperado ang gobyerno sa paghahanap ng mabibiling mga gamit-pandigma.