Flood control project on track ayon sa DPWH

 

 

On track ang mga flood control project ng pamahalaan.

Tugon ito ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa tanong nina Senators Alan Peter Cayetano, Joel Villanueva at Loren Legarda kung saan napupunta ang pondo sa flood control projects.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Bonoan na ongoing naman ang mga proyekto.

Ayon kay Bonoan, may dalawang taon ang DPWH para ipatupad ang mga proyekto.

Pero pag-amin ni Bonoan, may mga maliliit na proyekto angnaatala ang konstruksyon dahil sa mga usapin sa right of way at pagtama ng ilang bagyo.

Nasa P180 bilyong pondo ang inilaan sa flood control project at nakakalat aniya ito sa buong bansa.

 

Read more...