Binay may panukala ukol sa pagpapalit-palit ng official seals at logos sa gobyerno

Naghain ng panukala si Senator Nancy Binay ng panukala ukol sa paglikha at pagpapalit ng official seals at logos sa gobyerno.   “Hindi po basta basta ang rebranding at ang pagbabago ng logo. We need to ensure that official seals and logos convey national ideals and traditions that express the principles of sovereignty and national solidarity,” ani Binay.
  Paliwanag ng senadora layon ng inihain niyang Senate Bill No. 2384 na maamyendahan ang Republic Act No. 8491 at mapagtibay ang alintuntunin paglikha, modipikasyon at pagpaparehistro ng official seals sa mga ahensiya ng gobyerno.   Binanggit niyang halimbawa ang pagpapalit-palit ng mga ahensiya, tulad ng Philippine Eagle sa P1,000 perang papel ng Bangko Sentral, gayundin ang pagbabago sa logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na naging kontrobersyal at umani ng mga negatibong puna.   Paniwala ni Binay dapat ay bahagi ng pagdidisenyo ng official seals at logos ang National Historical Commission of the Phils. (NHCP).

Panukala pa ng senadora ang lahat ng ahensiya ng gobyerno, kasama na ang militar, ay dapat gumamit ng akmang  coat-of-arms, administrative seals, logo, insignia, badges, patches, banners  na awtorisado ng the Office of the President o Kongreso at aaprubahan o irerekomenda ng NHCP.

Maging ang mga pagbabago sa ma disenyo sa mga pera ng bansa ay dapat din aprubado ng NHCP.

“Tinanggal na natin ang mga bayani sa ating pera. Parang sinasabi nating ‘our martyrs and heroes are no longer worth our money’. ‘Yung design ng pera hindi dapat BSP o Malacanang lang ang magde-decide. ‘Yung magpalit nga ng name ng school at kalsada kailangan may congressional imprimatur at NHCP approval dahil meron ‘yan relevance at implications sa culture at history, and there’s a higher purpose than just having the names changed. Ganyan din sa ating legal tender—there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” pagpupunto pa nito.

Read more...