Palakasin ang ekonomiya para makaharap ang China – Cayetano

Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa ang maaring magamit na bala upang makaharap ang Pilipinas sa China.   Ayon kay Cayetano, habang tayo ay nakikipagtuos sa China sa West Philippine Sea (WPS)  dapat na sabayan din ito nang pagtugon sa pagpapalakas ng ekonomiya, partikular na ang pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura.
  Paliwanag ni Cayetano, may domino effect ang agrikultura sa bansa dahil kung maisasaayos ito ay maraming kababayan ang mabibigyan ng trabaho, hindi na kailangang magabroad, bababa ang presyo, lalaki ang kita, at kasabay nito ang paglakas ng ekonomiya.    Sa ganitong paraan ay hindi na kakayan-kayanin ang bansa ng China.    Nanawagan ang senador sa Department of Justice (DOJ) na aksiyonan at tuldukan na ang problema sa agri-smuggling ng bansa na siyang hadlang sa progreso ng agrikultura sa bansa.    Inirekomenda rin ng senador ang pagkakaroon ng contingency plan ng gobyerno sa tuwing tumataas ang presyo ng bigas gayundin ang pagbibigay ng sapat na suporta sa mga lokal na magsasaka.

Read more...