Training, pag-aaral ng China ng AFP officers pinahihinto ni Tulfo

(Photo: Senate PRIB) Pinatutuldukan na ni Senator Raffy Tulfo ang pagsasanay at pag-aaral ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China.   Umalma si Tulfo nang malaman ang naturang programa na ang gobyerno ng China ang sumasagot sa mga bayarin.   Ibinahagi ito ni Sen. Francis Tolentino sa pagdinig ng Committee on National Defense, na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada, at kinumpirma ni Defense Usec. Ireneo Espino ng Department of National Defense kahapon, Aug. 7 sa pagdinig ng Committee on National Defense na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada.   “Malaking insulto ito sa atin! Kung iisipin na walang patid ang ginagawang pang-haharass at pambubully ng Chinese military sa mga miyembro ng ating AFP sa West Philippine Sea,” diin ni Tulfo.   Pinuna din muli ng senador ang pananatili ng pasilidad ng isang telco, na may bahagi ang China, sa mga kampo militar sa bansa.   Bukod pa dito ang mga gamit pandigma na donasyon ng China sa Pilipinas.

Read more...