197 volcanic tremor naitala sa Bulkang Mayon

 

Nasa 241 na volcanic earthquakes kabilang ang 197 volcanic tremor na may haba ng isa hanggang tatlong inuto ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 68 na rockfall events at dalawang pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.

Mabagal ang naging pagdaloy ng lava na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully, at 600 metro sa Basud Gully.

Umabot sa 4 na kilometro ang pagguho ng lava mula sa crater.

Ayon sa Phivolcs, nasa 969 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Katamtaman ang pagsingaw ng plume na napadpad sa Silangan at Silangan-hilagang-silangan.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Read more...