Matinding traffic asahan sa palibot ng Cuneta Astrodome sa Pasay City

Inabisuhan ang mga motorista sa matinding traffic ngayong araw sa palibot ng Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ay dahil sa isasagawang evangelical mission and outreach mission o Lingap-Pamamahayag ngayon ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Astrodome.

Sa abiso sa mga motorista, mula kaninang alas 8:00 ng umaga hanggang mamayang alas 6:00 ng gabi ay magiging masikip ang daloy ng traffic sa lugar.

Partikular na apektado ang mga lansangan patungo sa Cuneta Astrodome partikuilar ang mga bahagi ng F.B. Harrison, Gil Puyat, Taft Avenue, at Roxas Boulevard.

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang nasabing lugar para hindi maipit sa traffic.

“The public is encouraged to take alternate routes going to and from their areas of destination or to stay home unless there is urgent business to attend to,” nakasaad sa abiso.

 

 

Read more...