Southeast Asian unit ng ISIS, binubuo umano sa Pilipinas

Isis usmanBinubuo na umano at sinasanay sa Pilipinas ang Southeast Asian unit ng Islamic State para isabak sa laban sa Middles East.

Sa ulat ng Reuters, itinuturing umanong importante at bineberipika na ng military intelligence ng PIlipinas ang video na lumabas kamakailan hinggil ioerasyon ng ISIS sa Southeast Asia.

Sa nasabing report, pumili umano ang ISIS ng mga most wanted sa Pilipinas para pamunuan ang regional faction ng grupo.

Sa 20-minute video, makikita ang mga kalalakihan na ang iba ay pawang mga bata pa na nakasuot ng military fatigues, may bitbit na mga armas at makikitang nagsasanay hawak ang Islamic State flags.

May bahagi din sa video na nagpapaktiang nakikipagbarilan sa kabundukan ang nasabing mga lalaki pero hindi malinaw kung saan ito kinunan.

Meron ding isang lalaki na umano ay isang Malaysian militant ang nakita sa video at sinabihan ang mga sinasanay na kung hindi sila mapadadala sa Syria ay isasama sila sa pwersa sa Pilipinas.

Kinilala ang nasabing Malaysian militant na si Mohd Rafu Udin.

Ayon naman kay Ayob Khan Mydin Pitchay, hepe ng Malaysia’s police counter-terrorism unit, hindi lang basta propaganda ang video kundi isang seryosong banta sa Southeast Asia.

 

 

Read more...