Number 1 drug personality sa isang Brgy sa Meycauayan, Bulacan, patay sa buy-bust operation

crime-scene-e1400865926320Patay matapos na manlaban sa isinagawang buy bust operation ang itinuturing na number 1 drug personality sa Barangay Bancal, Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Kulot” na kilalang operator ng shabu tiangge sa nasabing Barangay.

Ayon kay Supt. Lailene Amparo, OIC chief ng Meycauayan Police, nakuha mula sa pag-iingat ni alyas Kulot ang nasa 38 sachet ng shabu at isang baril.

Sinabi ni Amparo na si a;yas Kulot ang nagpasimula ng negosyo ng pagbebenta ng illegal na droga sa barangay.

Naaresto na rin at nakulong noon si alyas Kulot, limang taon na ang nakararaan dahil naman sa kaso ng pangho-holdap.

 

 

Read more...